Friday, March 29, 2013

Yume..

naisulat ito noong 9:15 pm March 26, 2012.. ngayon lang pinublish.
original writing follows~

~~~~~~~~~~

Nanaginip ako kagabi.. pero kaninang 8:05pm ko lang naalala lahat. hmmm, nanaginip ako pero hindi ko maintindihan, at gusto ko lang ikwento.
May tatlong tao sa panaginip ko. ako, ikaw, tapos yung isa.. masaya yung kwentuhan, mas nakatuon atensyon mo sakin.. pero masaya. na hindi dapat. yung lugar ay parang nasa isang mall na hindi naman kalakihan, parang isang mahaba lang, mataas. Ayun, masaya.. nagkkwentuhan, habang naglalakad tayong tatlo.. may mali doon. mali yung isang tao. hindi dapat siya nandun. basta magulo. hanggang sa maya maya, natanaw ko sarili ko na magisa nalang, iniwan.. sa nararamdaman ko sa panaginip ko, magisa lang ako, malungkot, nawala ka. tapos.. pumasok ako sa isang kwarto.. na kakaiba. pagpasok ko, napunta ako sa isang kakaibang mundo. isang malaking garden, magical.. ammm, sa pagkakaalala ko, may mga faeries. O_O

pero hindi masyadong clear eh.. di ko alam kung faerie yun o ano.. tapos may mga taong, bata, naglalaro, may paro paro XD.. tapos, merong dandelions. yun and maliwanag sa panaginip ko. dandelions.
Pagpasok ko sa may bandang gitna ng kakaibang mundo na yun, nawala lahat ng mga tao, at mga faeries.. ako nalang, tapos yung tahimik na damo, at mga lumilipad na dandelions, at glitters XD

Ang daming dandelions sa paligid, lumilipad.. nakita ko kamay ko inaabot yung mga yun.. (mayushii style) sa ilalim ng bughaw na kalangitan.. troll.


desperado akong kunin ang kahit sa isa lang duon para makapagwish. XD ang dami nila.. kung sa totoo yon, malamang makakakuha talaga ako ni isa sa dami. pero.. nakakalungkot. wala ako nakuwa. :( bakit ganun.

gusto ko sana magwish, tungkol dun sa problema ko.. na sana... i wish... *sigh*.. nakakalungkot. sana nalang lahat ng bagay, bumalik sa normal.. :'( kaso wala.. hay. andrama..
~~~

Ayon sa dreammoods.com..
hmmm, tinamaan ako dito x_x.. pero.. hindi naman clear yung mga faeries sa panaginip ko..

hindi ko maintindihan. basta ang alam ko sa panaginip ko.. malungkot ako. :(

nee, malungkot ako ngayong araw, kahapon pa, pati sa mga dadating na araw.. T_T eto problema nanaman. paulit ulit nalang.. hindi ko na alam gagawin ko talaga. di ko alam kung maayos pa ba sa paguusap lang. :'(
hai nakakainis na po. T^T

brr..
9:15 pm March 26, 2012

Thursday, March 21, 2013

Remember :)

I will always remember these things. ^__^

‎November ‎22, ‎2012, ‏‎10:22:36 PM

‎March ‎16, ‎2013, ‏‎11:50:12 PM

i love you so much! ^__^ <3