Pabayaan nalang natin sila. yung mga nangmamaliit saatin.. patawarin nalang natin sila, kahit walang sorry.. oo mahirap yun.. pero pag nagawa natin, maganda naman yung mga susunod na mangyayari..
sa ngayon, kung wala pa tayong magawa, yun nalang ang gawin muna natin. pero yung plans mo, wag mo aalisin yun. gawin mo padin.. pero mas ok kasi diba yung habang tinutupad mo ung plans mo, eh wala kang nararamdamang galit, o bigat, o bitterness. kasi pag may bitterness halimbawa, parang mappressure ka na gawin kaagad yung plans eh, yung pipilitin mo sarili mo, para lang makawala sa mga taong yun. sa huli, ikaw din yung maiistress..
so sa ngayon, let's forgive muna, kaya mo yun, magaling ka dun eh :) forgive muna, then ituloy yung plans na walang bitterness sa ibang tao, although, hindi ganun kadali yun, pero aun, wag na natin dagdagan ung nagpapastress satin dahil lang sa mga tao.
parang ganito lang yan eh..
yung gusto mong magmove on, pero may bitterness ka naman sakanya, ang gagawin mo, sasabihin mo sa sarili mo, "pag ako nakamove on.... *insert ganti lines here*" ganyan ang nagiging point of view ng mga bitter diba, haha, yung puro ganti ang nasa isip, magmomove on ako tapos gagantihan kita.. tapos pipilitin yung sarili makamove on, in the end, sya din ung stressed, sya din ung wasak.
pero kung nagforgive na sya, magkakaron sya ng peace of mind. alam nya na mahirap magmove on, pero ang point of view nya, "ok lang yan, mahirap pero dadating din yung araw na yun".. diba mas maganda, dadating parin syempre yung times na maaalala, na malungkot, na iiyak, pero alam nya na normal yun, kasi anjan na yun eh. pero focused sya dun sa pagiging better para makamove on, hindi para makaganti..
gawin mo yung plans mo for yourself, for your future, for your loved ones, not for your enemies.
syempre hindi mawawala yung stress. lagi anjan yan, kasi lagi tayo may problema, pero ang pinakamabuti nating gawin is to lessen stress diba. para sa sarili na din. at yun yung paraan para malessen ang stress, forgive, then hayaan nalang sila, so what so whatin nalang natin sila.. at dun, naaapply din yung sinabi ko dati, na ipaubaya nalang natin sila sa may kaya..
sabi nga, ang mapagmataas ay syang ibababa, at ang mapakumbaba ay syang itataas.
tama yung ginawa nyo, stay humble, wag nalang pumatol.
practice apathy. ok din yun minsan. hehehe
we cannot please everybody.. in the end.. sino ba sila?
ayun, sana maging effective din to sayo..
i should have said these things when you opened up to me.. pero meh, hindi kasi ako marunong magcomfort ehh, eh ayun ngayon ko lang naisip to, na sana sinabi ko nun.. hehe sana mabasa mo to, hindi ko na directly isesend sayo, nakakahiya ehhh :P hehe ayun,
i hope this can comfort you somehow Edmarck.. kaya mo yan. :)