Monday, February 27, 2012

Astro

Ammmm.. ang hirap naman simulan!! haha.. isip.. x_x hmmm, simula nung december 2, ano bang nangyari.. T_T tingin sa calendar.. yun yung mga araw kasi na sobrang busy na talaga kami... thesis thesis, thesis, tsaka thesis.. at thesis na din. di na ko natutulog nun, tapos lagi pang di naglulunch, dahil sa thesis.. kaya siguro ako nahinto sa pagsusulat nun. :< tapos bumaba timbang ko ng 3 kilos. grabe yun!

Eto, sa tulong ng twitter.. na syang magpapaalala sakin.. mabubuo itong blogpost na to woo! XD
kaso, ano ba tong mga pinagttweet ko? diko maintindihan hahaha..
. . .
. . . . . .
ayun, 2 days before ng thesis defense namin.. December 14, 2011 yun, hmmm, nakita kong trending ang 'geminid meteor shower'. ang saya dahil ever since, di pa ako nakakakita ng meteor shower. falling star lang ang nakita ko nun, 5 years na'ng nakakalipas. So binalak kong abangan yun, since wala naman akong ginagawa, nagrereview lang. haha XD
masyado akong masaya nun, kasi sobrang hilig ko sa astronomy. nuon pa. kakaiba akong tao.. lagi kong naiisip nun kung ano ang mundo beyond the galaxy. ang sarap isipin. haha. ang hilig kong tumingin sa langit, nagwwonder kung anong meron dun, beyond the stars, beyond the moon.. ang hilig ko din sabihin ang wish ko sa kanila.. nakaugalian ko nang magwish tuwing lalabas ang first star (na kadalasan ay si venus) simula ng sabihin sakin ng kalaro ko na pwede ka daw magwish sa first star. bata pa kami nun.. hahaha ayun naniwala ako. :) pero simula ng ginawa ko yun, lahat ng nawiwish ko ay nagkakatotoo. O_O ewan ko lang pero, feeling ko lahat yun nagkatotoo. XD gusto kong pumunta sa moon.. ayy tama nga.. haha lumilipad isip ko. :D

so yun nga first time kong makakita ng falling star, 5 years ago..
naglalakad kasi ako nun, mga 9pm na. galing ng choir practice.. kasama ko yung mga ka-choir members ko.. tapos naglalakad kami, tas nakita ko yung falling star. nakita din nung iba kong kasama.. pero di lahat :D
nung nakita ko yun, sobrang saya ko.. tapos nagwish kagad ako. ang winish ko nun.. tungkol sa pagmamahal. hmmm.. kung titignan mo yung naisulat ko nun sa deviantart. hmm.. lalalala :3
eventually, nagkatotoo.. :) yata XD basta long story short, nagkatotoo naman. haha

tapos eto na nga inabangan ko etong meteor shower, mga bandang 10 pm lumabas ako, after mga 5 minutes ng pagtingala ko sa kalawakan, may nakita akong isa! yeheyyy! ang saya ko nun! ^__^ as in sobrang saya tapos pumasok kagad ako sa kwarto ko tas tinuweet ko kagad hahaha XD tapos may nagtext na adik. hahahah.. hindi ko nireplayan XDD pagtapos nun, wala kong mawish! haha naiwish ko nalang nun ay yung thesis namin. tumal, hehe tapos lumabas ako ulit nun, may nakita ulit ako isa, pero wala na talaga ako maiwish nun, haha.. kuntento na ata kasi ako sa buway ko. :) ayun tapos hanggang sa naging cloudy na kalangitan. tapos pumasok nalang ako, nagreview ulit...

pagkadating ng mga 1 am, tamang tama tapos na ako magreview nun.. lumabas uli ako, kala ko wala na kong makikita, pero ayun may isa ulit, :) ang saya talaga.. hehe tapos. umupo ako. pumikit.. :)
at isa isa kong sinabi kung ano ang mga wishes ko.. sabi ko..


"thesis defense, sana maging maayos.
good grades
yung gadgets ko! XD
sana di madelay OJT ko next term.
at. . .
. . .tunay, dalisay, at wagas na pagibig. :)"

natapos ang araw ko ng masaya, at may ngiti sa aking mga labi.. :)

No comments:

Post a Comment