Last week, last week ata.. Feb 26, 2012. hehehehe.. bumili ako ng bagong mahiwagang kahon yey! Ang dami na kasing laman tapos yung luma kong mahiwagang kahon punong puno na, puro alikabok haha XD kaya ayun bumili ako ng bago, dalawa.. kasi.. yung isa, mahiwagang kahon na lalagyan ng mga sulat at kung anu anong memorabilia sa buway, tapos yung isa... basta, read further. haha
Tenen! ayan. bakit ganyan nanaman ang kulay nyan? ano bang meron sa mata ko at masyadong naaattract ang kulay na yan haha! lololol XD
Ayon, bumili ako ng mas malaking kahon, at mas maayos.. para naman masaya ang mga memorabilia ko. ^_^
Ang luma kong patapon na kahon. XD
ginawa ko tong kahon na ito hmmmm, 5 years ago? ata.. kasi yung mga sulat ko at yung mga bagay na gusto kong itago nakatambak lang. kaya gumawa ako ng ganito, para paglagyan nila, baka mawala pa eh :D
hmm ginawa ko lang to mula sa lumang kahon ng cellphone haha, binalutan, sinulatan, dinesignan.. hanggang sa naging ganito. AMPANGIT. hahaha.
Eto yung laman nya, grabe naguumapaw na. XD haha
simula pa nung nagsusulatan kami ng mga pinsan ko, tinatago ko na yung mga sulat na yun. kaya puros yun ang laman nito.
Kulang pa nga yun eh, feeling ko andaming natapon nun. hmm, nakakatuwa lang, nung bata pa ko, nagsusulatan kami dati ng mga pinsan ko pero magkapitbahay lang kami. natuwa kasi kami sa mga mailbox, handmade na mailbox. oo. hahaha yung kahon ng sapatos, ilalagay namin sa labas ng bahay namin, susulatan ng "mailbox". yun yung lalagyan ng sulat namin sa isa't isa XD haha.. naaalala ko, tuwing umaga, o tuwing hapon pagkatapos ng siesta ko ichecheck yung 'mailbox' ko. ang madadatnan ko nun ay maaaring may sulat, o sira na ang handmade kong mailbox dahil nabasa sa ulan. haha.. pag may nakita akong sulat, isa na yun sa cue na maglalaro na kami. hehe. kung ako naman ang magbibigay ng sulat, naaalala ko pa, magssneak pa ko sa bahay nila para di nila ako makita. tapos saka ko ihuhulog yung sulat. hahaha! tama na nga xDDayun naipon yung mga sulat na yun, tapos eto padin sila ngayon :) tanda ng saya ng pagkabata ko hehe.
50% ng mga ito yun, dami haha
yung iba naman sa mga laman nito galing sa mga kaibigan ko. 25%. yung tipong pambalot lang tinatago ko pa, ehh may dedication kasi yun. Nishishi.. tapos, diko alam kumbakit nandito yung mga luma kong doodles haha, pero, ancool eh dami ko naaalala pag nakikita ko yung mga yun. kaya tago ko nalang sila :D
tapos may natirang 25%. hmm, galing yun sa mga adik. kung ano ano lang, kung anu anong kung ano ano. hehehehe..
inayos ko sila, left side- galing sa mga pinsan ko
right side, (sa ilalim) galing sa mga dating adik >:|
tapos sa ibabaw nun galing sa mga frends. (yung mga luma)
dami padin nawawala dito :((
sa tuwing aayusin ko tong kahon na to, lagi ako napapatagal, napapahalungkat pa ko, tapos napapareminisce. hehehe. parang nagttime travel ako, ang saya. :D ang lungkot. ang cool. XD
hiniwalay ko yung mga latest.. hmmm, eto na yata yung latest. haha,
1/3 nyan galing sa mga kaibigan kong mahal. :3
tapos yung natira.. hehehehe galing sa adik :D nehehe >:D
tapos, yun yung nilagay ko sa ibabaw ng right side..
bali right side sa ibabaw yung mga latest.
yey maayos na!
tapos yung isa kong box.....eto nilagay ko XD ang cute! hehehe :3 itatago ko yan syempre. dahil isa yan sa mga latest. at dahil yung mga latest ang mga pinakespesyal. siguro. nehehe >:D
yung rosas na namatay :,< tago ko padin sya.. :)
maayos na sila! maayos na silang nakatago sa mahiwagang kahon. :D
Ito ang aking time machine. :)
Habang inaayos ko to, at hinahalungkat, nakita ko to..hahaha.. natuwa lang ako. Ito yung regalo sakin ng adik na pari nung birthday ko. ^_^ kakaiba lang, kasi feeling ko ang espesyal eh.. hehehe.. wala na ako masabi ^_^ maraming salamat! :D
tinignan ko ulit laman.. :D
basura. hahaha di, joke lang XD mahalaga ito. cool :D
tapos yan. hahaha. sugoi ^__^
yung laman nya talaga, nakatago sa cabinet ko. di ko alam kung ilalagay ko sya dito sa mahiwagang kahon ko :D
tapos eto, yung stapler na wagas. hahaha. ang grabe lang talaga, nung unang una palang pagkabigay ni giz sakin, na akala ko kay giz talaga galing, nagtataka na ko kung bakit binudburan ng wagas na stapler. haha. tapos hinayaan ko nalang, inisip ko sa bahay ko nalang buksan.
tapos buti nalang hindi pinabukas sakin sa lrt, buti nalang! muntik na, hindi ata nakita XD
pagdating kong jeep, ilang beses akong natempt buksan. haha, pero sa isip ko sa bahay nalang, para surprise. :D
pagdating kong bahay, surprise yung wagas ng stapler. haha bukod sa napakadami nya, napakahirap pang tanggalin haha. grabe, mga 30 minutes ko yatang tinanggal lahat yun haha. tapos grabe na din yung pagkaexcite ko nun. grabe. hahah
ayun, pagkabukas ko.. nakita ko kagad yung sulat. :D hahaha ang nakasulat, "Advance Happy Birthday Mary Anne! Haha!" hahahaha, walang nakasulat kung kanino galing, pero, obvious naman eh. haha! tapos grabe ang pakiramdam ko nun, parang hmmmm, hala di maexplain hahaha. pero simula nun, hanggang matapos ang araw, hindi na natanggal yung ngiti ko. :)))
haha! mahalaga lahat yan.
ika nga, "made my day!" hahaha ^__^
No comments:
Post a Comment